Birthday

'BIRTHDAY'

Thursday, July 1, 2010 at 4:13pm
'BIRTHDAY'
by alyssa nicole cacho gratil



“Happy birthday to you…”

Labinlimang taon na ang nakakaraan ng namatay ang nakatatandang kapatid ni Michelle.
Twenty-two na si Michelle ngayon, at twenty-eight na dapat sana ang ate niyang si Mikee.
Ipinanganak ng may problema sa puso si Mikee. Matapos ang thirteen years na pakikipaglaban sa sakit, sumuko na rin. Hindi na kinaya. Walang nagawa ang pamilya ni Michelle kundi tanggapin ang katotohanang wala na ang kanilang panganay. Eh kasi nga, hindi na kinaya.
Akala rin nila, hindi nila kakayanin. Lalo na ni Michelle.
Sanggol pa lang si Michelle, naulila na rin siya sa nanay. Masakit. Isipin mo, wala ka ng nanay na mage-explain sayo ng mechanics of menstruation, magtuturo ng neck stretching at magsasabi sayo ng “tignan mo yang likod mo, ang dumi-dumi!” at magiisa-isa sayo ng techniques sa buhay pag-ibig. Masakit.
Ang nagpalaki lang sa makapatid na Mikee at Michelle ay ang kanilang tatay. Nung namatay na rin pati si Mikee, parang nabawasan ang hanging hinihinga ni Michelle. Ang hirap. Parang gusto na niyang sumunod sa kapatid niya, at sa nanay niyang ni hindi man lang niya nakilala. Pero nagpakatatag siya. Para sa sarili niya. At sa tatay niyang alam niya na nahihirapan na ring huminga.

September 6, 2010, twenty-ninth birthday ni Mikee.

Nakakulong lang si Michelle sa kanyang kwarto. Tinitignan ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya ng pagsasama nilang magkapatid.
“Hay ate. Ang tanda na natin, noh?” sabi ni Michelle sa hangin. “Andami mo nang na-miss dito sa slumbook! Nakailang sulat na ako dito. Puro na lang ako!” sermon ni Michelle habang natatawa.
“Miss na kita.” Pinilit ni Michelle na pigilan ang luhang nananakot ng bumagsak. “Sabi ko kasi sayo, hati na lang tayo sa puso ko, eh. Tumanggi-tanggi ka pa. Arte-arte.”
“Naku, kamusta na nga pala kayo ni mama dyan? Pakisabi sa kanya ‘hi’!”
“Miss ka na namin, ate. Miss ka na namin ni papa. Hindi man pinapahalata ni papa, sure ako miss ka na nun. Asus, yun pa? eh best actor in a pretending role yun eh!”
Tawa nanaman. Pero ngayon, may kasama ng luha.
“Wala ka nung natanggap ako sa trabaho. Tuloy, dalawa lang kami ni papa na nagsalo sa pizza na inuwi ko…” tinuloy ni Michelle ang kwento habang humihikbi. “Ang ganda-ganda ko nun…naka-dress…nung pagtingin ko nga sa salamin, akala ko ikaw nakita ko eh…girly…”
“Sana nandito ka pa…”
May sasabihin pa sana si Michelle, ng bigla siyang may narinig na kung ano mula sa kung saan.
Binaba niya ang slumbook sa kama. Pinunasan ang basang mukha at tsaka naglakad ng dahan-dahan papunta sa pinanggagalingan ng naririnig niya.
Lumabas siya ng kwarto, dahan-dahan pa rin. At sumilip sa kwartong katapat ng sa kanya.
Kwarto ng tatay niya.
Medyo nakabukas ang pinto. Nilapit niya ang kanyang tenga, at tila lumakas ang kanyang naririnig. Ngayon, luminaw ng bahagya ang tunog. Parang kanta.
Hindi na niya napigilan ang usiserang sarili. Sumilip siya sa kakarampot na uwang sa pintuan.
Ang konting pagluha niya kanina ay naging isang tahimik na hagulgol.
Sa uwang sa pinto sa kwarto, nakita ni Michelle ang kanyang tatay. Ang kanyang tatay na hindi gaanong mapag-labas ng kahit anong emosyon…
Kumakanta ng Happy Birthday.
Habang nakaharap sa litrato ni Mikee.
Pumapalakpak kasabay ng beat.
At tumutulo ang luha kasabay ng bawat palakpak.
“Happy birthday mik-mik…happy birthday mik-mik…happy birthday, happy birthday, happy birthday mik-mik…”
Bumalik si Michelle sa kanyang kwarto, habang buhay na ngingiti at aalalahanin ang simpleng kanta ng pagmamahal galing sa tatay niya.
“Sabi ko sayo ate, mahal ka nun eh. Shy-type lang.” sa sobrang tuwa, hindi niya napigilan ang umiyak.
Muli, bago itabi ang mga gamit nila ni Mikee at lumabas ng kwarto, ngumiti si Michelle.

“Happy birthday!”

--fin--